Mga tsong.... kailangan pa natin ng mga magagandang pics ng mga pba players para pamalit sa mga legal, logo, title, loading, & exit screens. Kailangan kse, medyo magandang resolution ng pic, e. Mukhang mapipilitan din tayong palitan yung caguioa splash screen natin dahil nga pixelized siya nang ininstall sa game na mismo. Pinapalaki pa kse ng nba live yung actual pic, e. Kaya, dun pa lang sa raw pic natin na hindi pa chop-chop, dapat, magandang resolution na. Para magkaroon kayo ng idea dun sa ikalalabas ng splash kapag nasa game na mismo, i-zoom niyo ng mga 160% yung image. Ganun ang magiging itsura niya sa game. Wala na tayong magagawa dun dahil yun talaga ang resolution ng mga screens sa nba live, e (640x480). Ang tanging solusyon na lang talaga ay makakuha ng magandang quality na image ng player na ilalagay.
Tingin ko, hindi naman kelangan full-body pic din ang ipapalit natin, e. Wag tayo masyadong ma-"boxed-in" dun sa jason kidd splash na papalitan natin. Kung si jason kidd e nagdidribble dun sa screen na yun, di naman kelangan ganun din porma yung ipapalit natin.
Hindi rin kelangan full-body pic at hindi rin naman kelangan nagsosolo lang na isang player. Pwede rin dalawa sila sa screen, o kahit tatlo pa bastat hi-res yung image na pag-gagamitan at astig yung pic, ok na.
demon_knights, nato, & bats....
Mga pre, kung di niyo pa nainstall ito, pwedeng paki-install niyo itong patch na ito....
http://www.nbalive.org/dl.php?file=x-feart.zip
...para makita niyo yung idea ng pinagsasabi ko sa taas. Although naglagay ako ng screenshot dito sa baba, maniwala kayo sakin... mas-astig siya kapag nasa game na mismo. Kung hindi man natin kayanin ang ganyang ka-astig na mga screens, kahit na medyo malapit lang dun, ayos na ayos na tayo.
Eto mga screenshots.......
Kung ayaw lumabas ang pic, paki-click na lang dito......
http://www.nbalive.org/th-screen_2003_feart.gif
