Ayos yang ginagawa nyo mga pare!

SALUDO!
input at tulong ko din...
First of all, 'WAG na 'WAG nyong GAGAMITIN ang MS EXCEL pang-edit ng DBF files!!! Puwede mag-cause ng ERRORS ang MS Excel 'pag ginamit na pang-edit, kahit sa mga lumang NBA LIVEs(1999-2001) nagkaka-error/crash yung game 'pag ginamit ang Excel. Gamitin nyo yung Toolkit para sa Live2003, downloadable din dito sa NLSC, o kaya MS Access o kahit anong program(puwera Excel) na specialized sa pag-edit ng DBF files.
Bakit hindi na lang si Willie Miller ang nasa intrologo sa bagay siya naman ang MVP last season.
Tungkol sa Legal Statements sa intro, tanggalin nyo lahat, ang itira nyo lang yung nagsasabing Copyright/All rights Reserved ng EA Sports yung game dahil EA naman talaga ang gumawa ng game, minodify lang nga ng PBA patch

baka kasi magalit pa ang EA kung tinanggal yon.
Kung gusto niyong magkabit ng mga legal statements, patching credits, websites, etc. Isama nyo na lang sa
README file ng patch, para hindi maging cluttered yung intro ng game, pangit kasi tingnan kung mangyari masyadong maraming nakasulat sa intro ng game.
Sa PBA legalities naman, tama rin yung suggestion ni bats na "This is NOT an officially licensed product of the PBA" tapos something like, "we are not affiliated or a part of EA Sports. This shareware and is not meant to be sold......" Huwag shareware yung gamitin nyo na word '
Freeware' dapat, kasi yung ibang 'shareware' na programs kadalasan may bayad pagkatapos ng trial period, baka kasi maconfuse yung mga users na gustong magdownload ng patch.
Kailangan nyo rin ikabit sa readme file niyo na ginawa nyo yung patch for NON-PROFIT reasons only at hindi rin puwedeng gamitin ng iba yung patch for their own profit o kaya I-modify at I-redistribute yung patch without the authors'/patchmakers' consent.
Tungkol naman sa SCOREAREA, 'wag na kayong magaksaya ng panahon sa pag-edit nyan, si Tim Tschirner(former NLSC webmaster, now working with EA Sports' NBA Live) na mismo ang nagsabi na hindi ginagamit ng NBA Live 2003 yung SCOREAREA field, kaya 'wag na kayong magpagod.
Tingnan nyo yung scorearea ni Clyde Drexler at ng ibang mga bagong players- 0, hindi na kasi nahabol ng mga programmers yung tamang implementation ng scorearea sa game kaya minadali na lang nila.
Hindi rin completely accurate yung nandito sa NLSC na reference chart,
Just in case na nagsisinungaling sa 'kin si Tim.

Ito yung reference based sa aking 'comprehensive' analysis ng DBF files(ayos ba) mula pa noong NBA Live 2001 applicable pa rin kahit sa NBA Live 2000 at 2003...
0: default - hinde sa mga guards na walang kuwenta to bats, may kuwenta naman si Drexler ah

, kapag '0' sinusundan lang ng player kung ano man yung play na naka-set(automatic or manually set plays),'0' din yung binibigay na scorearea ng game sa mga generated players sa franchise, huwag niyo gagamitin ang '0'!!!
1: Shooters - kahit hindi tres basta yung mga player na tira ng tira.
2: PG Shooters - hindi 'outside shooters', tingnan nyo si Eric Snow, wala namang 3-point shot si Snow kaso '2' yung value niya, magaling siya sa mid-range jumpshot. Puwede rin yung '2' sa mga SG ngayon na PG dati ang laro.
3: Inside Big Men - hindi 'skilled big men', yung scorearea ni Popeye Jones '3' kahit hindi naman siya magaling sa loob, ginagamit yung '3' kung prefer ng player sa loob ng paint palaging umiscore, kahit hindi man siya magaling
4: Non-offensive Big Men - hindi 'unskilled bigmen', ito yung mga big men na hindi masyadong iniisip ang scoring kaso hindi naman ibig sabihin na hindi sila magaling(kaso lang nga kay Feihl, tanga talaga yon!). Magandang gamitin yung '4' sa mga mahilig sa offensive rebounds.
*note* Tingnan niyo yung Scorearea ni Jermaine O'Neal - 4, isa yan sa evidence na hindi nahabol ng mga programmers yung pagkabit ng tamang scorearea. Kaya 4 yung kay Jermaine kasi noong Live2000 pa yang value na yan noong nasa Blazers pa siya at wala pang kuwenta.
5: Big Men with Outside Shot* - puwede na rin, mas magandang gamitin to sa Big Men na hindi masyadong marunong sa loob kaya umaasa na lang sila sa 3-point shot nila. NBA examples - Sam Perkins, Matt Bullard, Danny Ferry, Austin Croshere - si Croshere puwede sa loob kaso hindi naman masyadong magaling kaya umaasa na lang sa patira-tira sa labas kaya '5' ang ibinigay sa kanya sa game dati
6: ??? - basta sigurado akong hinde 'swingmen' yan.
Napansin ko lang na halos lahat na may scorearea '6' sa game ay (medyo)magaling mag-dribble, (medyo)magaling pumasa, (medyo)mabilis/maliksi(speed and quickness rating) at puwedeng maglaro ng PG(o kaya PG). example - Grant Hill, Iverson(magaling pumasa si AI, bakaw lang nga paminsan), Jason Williams(white), Isiah Thomas, Jerry West, Tony Delk, Kobe Bryant, Dajuan Wagner, Bobby Jackson. Bob Sura - 'medyo' sa mga nabanggit ko at naglaro rin siya ng PG sa GS, Larry Hughes - same as Sura, played PG at GS and WAS. Steve Smith - baka magtaka kayo kung bakit siya '6' eh shooter siya, PG talaga laro dati ni Smith noong baguhan pa siya sa NBA, parang (medyo)grant hill laro nya dati kaya tama yung kinabit ng mga EA programmers, Doug Christie - magaling sa pasahan at dribbling dati kaso tumanda na hehe kaso mabilis pa rin hanggang ngayon. Kung magkakabit kayo ng '6' tingnan nyo lang yung mga kinabit ko -
(medyo)magaling mag-dribble, (medyo)magaling pumasa, (medyo)mabilis/maliksi(speed and quickness rating) at puwedeng maglaro ng PG(o kaya PG).
7: Swingmen - puwede niyo rin gamitin yung '7' sa mga C/PF, tingnan niyo yung scorearea ni Duncan, KG, David Robinson, Kwame Brown, Tyson Chandler, Webber, Gasol, Kenyon Martin. O kaya sa mga PG - Tinsley, Claxton, Parker. Basta yung '7' sa mga players na madaling mag-switch ng positions nila, C-PF, SF-PF, SF-SG, PG-SG. Medyo vague pa kasi yung nalalaman ko sa exact details sa mga players na may '7' binabase ko nalang sa mga example sa Live mismo.
8: Penetrators - puwede rin to sa mga SG ngayon na PG dati kamukha ni Penny Hadrdaway o kaya yung mga PG na kayang mag-post up.
9: Serviceable Big Men - basta yung mga matibay na big men na kaya din pumuntos, puwede rin magagaling na players ang ikabit nyo dito, examples sa Live - Karl Malone, Rasheed Wallace
10: Big Men with Midrange Shooting* - puwede rin ito dito yung may mga tira sa 3-point line, examples - Van Horn, Clifford Robinson, LaFrentz, Wang Zhizhi, Pat Garrity, Sabonis. Kadalasan nakapuwesto yung mga '10' sa top of the key of kaya sa labas ng 3-point line.
*ang pinagkaiba ng '10' sa '5', yung '5' halos puro tira sa labas lang ang opensa nila, yung mga '10' naman puwedeng magaling sila pumuntos sa loob, sa mid-range kaya sa labas.
position - possible scorearea
C/PF - 3, 4, 5, 7, 9, 10...rare exception - 1, look at Camby's scorearea
SF - 1, 6, 7, 5(big SF-PF ex. Croshere and Ferry), 3(SF-PF that are good inside ex. Jamison and James Worthy), 4(PF's that sometimes play SF like Bo Outlaw)
SG - 1, 7, 6, 8(PGs dati na SG ngayon), 2(same as 8)
PG - 2, 6, 8, 7 - gamitin nyo lang ang 7 sa mga PG kung hindi sila puwede sa 2-6-8.
PBA examples
1 - arigo, noy castillo(nakalimutan ko kung SG o PG si noy), lago twins, tubid, junthy valenzuela, sunday salvacion, caidic!
2- racela, ritualo(pagkakalam ko PG(dati) si ritualo o baka hindi lang ako nanood ng mga laban ng FedEx

) bal david, jason webb, boybits
3- peek, taulava, aquino, patrimonio, ildefonso, harp, adducul, villanueva, ramon fernandez! paras!
4- FEIHL, Ong, Abuda
5- pennisi
6- willie miller, torion
7- danny seigle, caguioa, menk(puwede si menk na C/PF/SF), evangelista, belasco, laure, duremdes, hatfield, cariaso, rodney santos, meneses, andy seigle, raymundo
8- cortez, alapag, johhny A, rob johnson, jaworski
9- carrey, crisano, dorian pena, yancy
10- limpot, codinera, espino
Kung sinisipag din kayo puwede niyong lagyan ng DSTATS yung mga players para accurate yung stats nila as of last season.
Puwede niyo rin baguhin yung mga salary at salary.ini para compatible sa PBA. P300,000 ang maximum sa isang buwan multiply by 12 = P3,600,000 ang maximum salary ng isang players, minimum yata eh P10,000. I-fill out niyo na lang yung in-between.
Sinubukan ko na rin kasing gumawa ng 'comprehensive' PBA patch para sa Live2001 kaso nahirapan ako sa paghahanap ng mga stats at pics para sa cyberfaces, jerseys, at courts kaya in-abandon ko na lang hehe...
Wala akong NBA Live 2003, Live 2001 lang ang sa akin kaso nakita ko na yung mga DBF files ng Live2003, halos walang pinagkaiba sa Live2001, yung mga data sa PLAYERS.DBF files nadagdagan lang ng mga fields para sa player appearance at freestlye control saka tinanggal yung ibang ratings dati tulad ng clutch at 2nd shooting range.
Sa TEAMS.DBF naman ang nadagdagan lang yung para sa zone defense ng mga teams.
Yung LOCATIONS.DBF in-update lang, yung CAREER.DBF ganon pa rin

.
Kaya kung may tanong o problema kayo sa mga fields sa PLAYERS, TEAMS, CAREER, at LOCATION na DBF files, Contact lang kayo sa akin para matulungan ko kayo(kung kailangan niyo man

)
Hindi ako masyadong nagla-log-on sa 'net, kaya puwede niyo kong i-txt/contact sa # na to
09198455786 kung kailangan niyo man ang tulong ko sa mga nabanggit kong DBF files.