I guess after all those months of hard work in creating patches, it's now time to enjoy the game. hehehe... Sa totoo lang, nakaka-ilang laro pa lang ako na tinapos ko tlga from 1st-4th qtr since sinimulan natin ito.
Since medyo off-season naman tayo ngayon in terms of patchmaking, maganda na rin siguro i-plano na rin natin yung para sa next season (pba live 2004).
Ang nangyari kse this year, halos hinintay pa natin yung rookie draft tsaka yung opening nga pba bago tayo nakapag-simula. Although tama nga naman, since nasa rookie draft yung mga bagong papasok na players at sa opening naman yung mga bagong jersey designs & final lineups, iniisip ko, kung pagbaliktarin kaya natin for next season ang procedure natin?
Imbes na regular teams muna, then rp teams, then all-stars, then legends, then guest teams ang trabahuin natin, pabaliktad ang gawin natin. Once na lumabas na ang NBA Live 2004, banatan na kaagad natin yung mga guests, legends, & rp teams. Anyway, naandun na lahat ng data/stats, logo's, & other materials, e. Para once na lumabas na ang final line-ups ng pba for next season (2004), tapos na natin gawin ang mga ibang teams. Sa regular pba teams na lang tayo mag-co-concentrate.
Malay niyo, baka makagawa pa tayo ng masmarami pang mga legends teams. Sa ngayon kse, mukhang malabo nang matuloy ang smb/alaska grandslam teams, '86 tanduay, & '88 añejo. Medyo nakabakasyon na kse sa patchmaking at halos busy na lahat.
Anyway, matagal pa naman yan. Just thinking aloud. As for now, let's just enjoy the game.