Main Site | Forum | Rules | Downloads | Wiki | Features | Podcast

NLSC Forum

Discussion about NBA Live 2003.
Topic locked

Tue May 20, 2003 10:51 pm

inupdate ko na yung 1981 Araneta Coliseum, marami akong binago including yung baseline colors... patay kasi yung unang kulay eh...

download nyo na lang sa website ko...

http://pbalive03.freewebsites.com
http://pbalive03.tripod.com
Last edited by danngarcia on Tue May 20, 2003 11:56 pm, edited 1 time in total.

Tue May 20, 2003 11:41 pm

san ako maka hanap ng pba patch?

Wed May 21, 2003 1:11 am

Bats, tanong lang, gusto niyo bang gumawa akong site, yung forum lang ang laman para may sarili na tayong forum, nakakuha na ako kaya lang hihingi ako ng reply sa inyo para malagay ko na yung link, bale ako yung moderator pero pwede ko kayo dagdag.
Ok yung pics ni olsen at dondon kaya lang pagnapatch na nakangiti ang panget lalo na si olsen ang hirap sumasablay yung ilong ang laki kasi, kay dondon naman sobra yung ngiti, sana may magbisay ng pics na naka formal pose yung mukha nila kung meron ka send mo ( air_max_heart@yahoo.com ) o baka may link ka.

Wed May 21, 2003 1:40 am

hey,

gumawa ako ng rp jerseys pero fictional lang ito. just thought you wanna check it out... oo nga pala BOTAK ang gumawa nito, hehehe.

Image

pic URL:
http://ericem.b0x.com/rpfictional.jpg

Wed May 21, 2003 12:48 pm

ERICEM

lupet nung taulava mo naimatch mo yung color niya at yung pinatong mong picture........rp jersey mo magandang gawing jersey ng national team nung 94 ..........kelan mo iaupload yan?.......
Last edited by peejay1ph on Wed May 21, 2003 4:04 pm, edited 1 time in total.

Wed May 21, 2003 2:52 pm

ericem wrote:hey,

gumawa ako ng rp jerseys pero fictional lang ito. just thought you wanna check it out... oo nga pala BOTAK ang gumawa nito, hehehe.

Image

pic URL:
http://ericem.b0x.com/rpfictional.jpg

damn patch :shock: ... astig un jerseys mo eric (Y)

Wed May 21, 2003 5:28 pm

[b]Body Bump[/],
kelan mo upload yung cyberfaces mo? malapait na kasi ang release date ng PBA live, finishing touches nlang kami nila MJ. upload ko bukas yung bagong rosters. dami ko binago e, lalu na yung dunk packages.

Wed May 21, 2003 7:06 pm

BATS

ano-ano ang mga binago mo sa rosters?.......ano ang tentative date ng release ng PBA LIVE natin?....sinisimulan mo na bang i-compile?.....ano masasabi mo sa suggestion kong pagkakaroon ng import ng CRISPA at TOYOTA sa palagay mo? si Bates naman at si Hackett sana ang idagdag mo....suggestion lang ulit....

excuse..

Wed May 21, 2003 10:13 pm

rerelease nyo ba pba live sa public? release nyo please.. tnx

Thu May 22, 2003 1:04 am

MJ, Bats, bakit ang bilis niyo naman irelease yung pba live, e kakaunit pa yung patches natin, well bahala kayo tutal kayo naman ang nagplano, gud luck. Kung irerelease niyo yan iinform niyo sa lahat na nagcontribute para mapuntahan yung place na kung saan kayo magdidistribute.
Bats, Hirap na hirap akong hanapan ng headshape si olsen masyadong alanganin.

Thu May 22, 2003 1:26 am

pengeng kopya ng PBA live...bigyan niyo din ung PBA office...siguro naman may naglalaro dun!

Thu May 22, 2003 1:58 am

MJ Pre, ang gaganda ng mga ginagawa nyo lalo na yung mga muka. Astig nga sabi ng mga pinsan ko sa States.

Anyway, saan be pwede i-download yung mga gawa mo MJ.

Yung roster patch?

Gumagawa rin ako ng mga Pinoy cyberface, hirap lang kasi low quality yung mga pix sa internet. Keep them up, mga pre.

Thu May 22, 2003 2:07 am

max viper, pre, hindi minadali yang pag gawa ng PBA live, halos 3 months nang ginagawa yan e. sila Bokayo at Ericem, mas matagal pa yung patches nil! hindi lang naka release sa public yung ibang patches kaya hindi mo alam kung ano na yung nagawa namin. kumpleto na lahat. napalitan na lahat ng pwedeng palitan. ang kulang nalang talaga e CYBERFACES. pero hindi na namin maaantay yan dahil may NBA LIVE 2004 na e hindi pa tayo nakaka kumpleto ng cyberfaces . kahit yung target na 50-60 e hindi aabutin. UNLESS, mag assign tayo ng isang tao per team. para siguradong tapos lahat. pero hindi mangyayari kasi sino ba naman ang magpapakahirap gumawa ng faces ng FEDEX? si meneses nga walang gusto gumawa e, si egay billones pa? wala ako sinisisi ha? mahirap talaga gumawa ng cyberface kaya hindi pwedeng i force ang isang tao na gumawa nun:D. kaya i release na rin ito kahit kulang yung cyberfaces.

pero pede panghumabol yung mga cyber face makers, u can still post patches naman e. tsaka next week pa naman.

peejay, sorry pero di ako agree na isama si hackett at billy ray bates.unang una, hindi naglaro sa toyota si Hackett. sa ginebra siya :D
tapos magaling naman talaga yung starplayers at toyota at crispa. kakainin ng buhay ni Jaworski ang kahit na sinong PG kung ngayun ang panahon niya. Di hamak na mas magaling si Ramon Fernandez kay Danny Ildefonso. YAN E, KUNG SKILLS LANG ANG PAG UUSAPAN. sa shooting palang gulpi na yung players ngayun. ang advantage lang ng players today e mas matangkad sila at mas malakas. kay balanse lang din.
TSaka hindi ko din pwedeng taasan ang STRENGTH ng mga legends kahit na mas rough at bargasan yung laro dati. Nakita mo na ba yung itsura nila? ang PAPAYAT nila! :lol: pag nag banggaan si Philip Cezar at Eric MENK dapat babagsak si Cezar. Pag si menk ang natumba hindi yun realistic! hindi talaga pedeng pareho sila ng STRENGTH RATING.

pero pede pa rin isama si BATES, pero as a free agent. meron sigurong pwedeng gumawa ng mga sikat na imports ng PBA tapos ilalagay sa FREE AGENTS. parang pedeng mag karoon ng season na with imports. madali lang siya gawin, Afro tapos may head band. at malakas mag dunk. yun na yun.
Last edited by bats on Thu May 22, 2003 2:49 am, edited 1 time in total.

Thu May 22, 2003 2:44 am

Max_Viper wrote:MJ, Bats, bakit ang bilis niyo naman irelease yung pba live, e kakaunit pa yung patches natin, well bahala kayo tutal kayo naman ang nagplano, gud luck. Kung irerelease niyo yan iinform niyo sa lahat na nagcontribute para mapuntahan yung place na kung saan kayo magdidistribute.
Bats, Hirap na hirap akong hanapan ng headshape si olsen masyadong alanganin.



Kakaunti? Anung patch pa ba ang hinahanap mo? Na-update ko na lahat ng pba logo's sa game. Meron na rin tayong mga jersey's gawa nina sina Bokayo & MJ. Me mga court patches na rin si Dann pati na rin stadium updates. Kumpleto na rin tayo sa mga shoe, skin tones, & hair patches gawa ni bats. Meron na rin tayong roster patch from bats/ericem. Dornaseason, me ilan na rin ang gumawa. Game Clock, mamili ka sa apat (Dann, ericem, Mico Peña, or MJ's game clock). Cyberfaces, oo nga di pa kumpleto lahat pero marami na rin tayong natapos. Madali lang naman magkaroon ng "expansion pack" later on kapag gusto mong kumpleto na tlga, e. Ganun din sa grandslam & asian games teams. Pwede rin i-expansion pack yan, kung di aabot. Halos lahat na rin ng traces ng nba sa game, natanggal na natin. Ilang buwan na rin itong niluluto kaya di ko maintindihan kung ano yung sinasabi mong kakaunti at bakit ang bilis naman.

Sorry kung medyo iba ang ihip nitong post ko. Fustrated lang siguro ako kaya ganun. :?

Thu May 22, 2003 2:58 am

na upload ko na yung ROSTER VERSION 2.2
Na upload ko na rin yung GENERIC LEGENDS FACES patch para sa TOYOTA/CRispa players.
para ma install siya, u have to import yung cyberfaces sa xplayer.viv using EAGE. tapos I install nyo yung ROSTER version 2.2. di nyo na kailngan i edit yung DBF files.

eto yung samples ng generic faces na nasa patch.
Image
medyo pare pareho muka nyan, iba lang skintones at facial features. pero at least muka silang 70s hippie. magandang tingnan pag hindi close up.

download the patches at freewebs.com/batscave
kung may message na "Internal Server Error", try nyo sa ibang oras. traffic kasi minsan yung server.

Thu May 22, 2003 4:08 am

suggestion lang po, pag lumabas na yung NBA Live 2004, dapat magkaroon tayo ng assignments na gagawin para mas mabilis matapos, sa tingin ko November pa lalabas yung 2004, sakto para next PBA season, 3-4 months natin gawin yung mga patches tapos before the opening of next year's season, na-launch na natin yung patches.

Thu May 22, 2003 10:27 am

hey,

maganda sana kung ire-release natin yan sa PBA All-Star Weekend tapos kasama tayo sa fans day or something... or bigyan tayo ng isang booth sa mismong all-star game tapos libreng ticket tayong mga gumawa. hehehe, lakas mangarap... pero maganda sana no?!

check out nyo nga pala tong dorna na dinagdag ko kay danngarcia...

Image

image URL:
http://ericem.b0x.com/dorna.jpg

Thu May 22, 2003 10:34 am

peejay, sorry pero di ako agree na isama si hackett at billy ray bates.unang una, hindi naglaro sa toyota si Hackett. sa ginebra siya :D
tapos magaling naman talaga yung starplayers at toyota at crispa. kakainin ng buhay ni Jaworski ang kahit na sinong PG kung ngayun ang panahon niya. Di hamak na mas magaling si Ramon Fernandez kay Danny Ildefonso. YAN E, KUNG SKILLS LANG ANG PAG UUSAPAN. sa shooting palang gulpi na yung players ngayun. ang advantage lang ng players today e mas matangkad sila at mas malakas. kay balanse lang din.
TSaka hindi ko din pwedeng taasan ang STRENGTH ng mga legends kahit na mas rough at bargasan yung laro dati. Nakita mo na ba yung itsura nila? ang PAPAYAT nila! :lol: pag nag banggaan si Philip Cezar at Eric MENK dapat babagsak si Cezar. Pag si menk ang natumba hindi yun realistic! hindi talaga pedeng pareho sila ng STRENGTH RATING.

pero pede pa rin isama si BATES, pero as a free agent. meron sigurong pwedeng gumawa ng mga sikat na imports ng PBA tapos ilalagay sa FREE AGENTS. parang pedeng mag karoon ng season na with imports. madali lang siya gawin, Afro tapos may head band. at malakas mag dunk. yun na yun.
BATS
ayus lang yun sugeestion lang naman ang sa akin........ :lol:
akala ko kasi naglaro muna si hackett sa totyota bago naglaro sa GINEBRA.... :roll: pasensya na rin kung wala akong nacontribute na cyberface
i'm really good sa paggawa ng cyberface.... :oops: nung gumawa ako nun
nagamukhang lang alien si locsin at caguioa......i'll try to
contribute in some other way.... :cool:

Thu May 22, 2003 1:01 pm

Uploaded na yung "Generic" Samboy Lim ko.
walang actual pic na ginamit. pero mas ok na kaysa sa "create a player" Samboy.

Image

www.freewebs.com/batscave

siya nga pala, dapat i iinstall nyo din yung cyber faces nila Jawo at Atoy ko na ginawa nila Nato para gumana ng maayos yungs Roster Version 2.2. hindi kasi kasama yung mga yun sa ginawa kong Generic Legends faces.

ericem[b], ok yang naiisip mo a! hehehe.

Thu May 22, 2003 1:01 pm

Uploaded na yung "Generic" Samboy Lim ko.
walang actual pic na ginamit. pero mas ok na kaysa sa "create a player" Samboy.

Image

www.freewebs.com/batscave

siya nga pala, dapat i iinstall nyo din yung cyber faces nila Jawo at Atoy ko na ginawa nila Nato para gumana ng maayos yungs Roster Version 2.2. hindi kasi kasama yung mga yun sa ginawa kong Generic Legends faces.

ericem, ok yang naiisip mo a! hehehe

Thu May 22, 2003 1:19 pm

nakakabwisit naman yng all - star game baka di ko mapanood ng live......
upper box and bleachers section na lang ang available.....pero ayos lang maganda naman magcover ang IBC at NBN......
pero iba pa rin ang live

I really need some help!

Thu May 22, 2003 1:51 pm

patulong naman kasi nagloko nba live ko tapos naka no cd patch ako non. tapos ginawa ko nag backup ako ng files ko then nag uninstall ako ng nba live ko. nung nag install na ako ulit eh kinabit ko ung no cd patch. kaya lang nung gumana na ung nba live ko wala na ung intro ng ea sports tsaka ung movie sa umpisa. nawala din ung music pero ung sound fx nandoon pa. okay na sana kaya lang kapag maglalaro na ako eh naghahang na. i dont have choice kundi tanggalin ung no cd patch. naka cd ako ulit ngayon kaya lang ang bagal na. mga pare wala man akong na contribute sa mga patches pero parati akong nagbabasa sa forum niyo and lahat ng patches niyo kinukuha ko. bilib nga ako sa inyo kasi ang gagaling niyo gumawa ng patch. Kung may makakatulong sa akin baka pwede patulog naman. Hindi ko na alam gagawin ko eh.

Tsaka sana ma release niyo na ung official pba live patch kasi ako ung sobrang excited na makalaro eh. sana bago ung all star game release niyo na yan tutal madami na kayong nagawang patch and talagang masasabi na parang professional gumawa.

suggestion lang din, sino kaya makakapgsabi kay comm Eala na sana magbayad sila sa EA sports or kahit aong company na gagawa mismo ng game ng PBA kaya naman yon eh. para may sariling game ang pba hindi na ung pinapatch pa, para hindi na rin kayo nahihirapan. para puro updates na lang ung gagawin. parang ung ginawa nila sa PBA cards sa upper deck. Sana maisipan nila gawin yon sa game naman.

Yun lang mga patchers, sana matulungan niyo ako ng dapat kong gawin. maraming salamat and more power lalo na sa Ginebra Kings! :D

Thu May 22, 2003 2:09 pm

mmd_111

suggestion ko lang....eh mag virtual drive ka na lang o kaya ay cdspace
para di mo na rin kailanganang yung cd mo....malaki ba space sa hard drive mo :?: it will take about 700 mb eh.....ganun ang gamit ko ngayon
minsan kasi yung mga cracks nilalagyan nila ng trojans eh....so be careful
of what you use......yun lang[/b]

Thu May 22, 2003 3:44 pm

bats wrote:Body Bump,
kelan mo upload yung cyberfaces mo? malapait na kasi ang release date ng PBA live, finishing touches nlang kami nila MJ. upload ko bukas yung bagong rosters. dami ko binago e, lalu na yung dunk packages.


sorry pre hehe.. nagng bz ako sa GTA vice city.. lolZ mybe this week.. upload ko na un patches and final version ni mike pennisi.. :)

Thu May 22, 2003 5:59 pm

bats,

meron na bang rp team 94 and 90 jerseys? do i have to release my fictional one? oo nga pla dapat irelease mo yung roster update before all star weekend and with updated all star teams... baka yung iba hindi marunong mag edit ng db.
Topic locked