Discussion about NBA Live 2003.
Thu May 08, 2003 5:16 pm
hey guys remember me, the foul mouthed bastard from before. gusto ko lng mag apologize sa lahat ng mga na offend ko especially to MJ and Ericem. sori mga pre. yung taga Cali na lng hinihintay ko.sino ba may kakilala non d2,pakisabi na lng naghihintay pa rin ako. enyweiz astigin mga patch na ginagawa nyo ah. ang lufetz. keep up the good work. galeng tlaga mga pinoy. pati mga foreigner dito nabibilib sa mga ginagawa nyo eh. so kelan ba lalabas ang demo version neto??
Thu May 08, 2003 6:37 pm
Mga Patchers,
Pre ang gagaling nyo, ang husay ng ginagawa nyo. Kailan at saan ba puwedeng makuha yang PBA LIVE 2003 nyo. Please e-mail na lang ako kung ok na ang lahat. eto e-mail addey ko:
junvidar@hotmail.com
MABUHAY KAYONG LAHAT!!!
Goodluck to all of you!!!
#6 Jhun
Thu May 08, 2003 7:37 pm
TALAGANG a day is an improvement dito sa forums, talagang pinaghirapan.. patronize natin ang pba!hehe. hailz to all! talagang nag lalabasan na ng mga skills sa pag patch ah! ayos... ei may na update pala ako... new roster.
www.freewebs.com/paniss242 salamat..
Thu May 08, 2003 8:43 pm
Ericem! na send ko na yung list ng players para sa legends roster, dun sa
hay, mukang dadami yung cyber faces na kailngan natin gawin.
jaworski, fernandez, cezar, samboy , etc.... haaayyy.
pero i huli na natin cgyuro yung mga legends! ang importante e yung regular teams.

mag co collect nalang muna ako ng pics dito.
Thu May 08, 2003 10:03 pm
Hi ulit mga pre! Nga pala, may natuklasan ako sa NBA Live…
Alam nyo ba na pwede na ang custom art nyo ay palaging nasa 0, as in:
Customart 0
At napapagana pa din ang mga PBA downloads? Well, kung kagaya ko kayo, na ang pag-iinstall ng Downloads ay using EA Graphics Editor, magagawa mo ito! Sorry NYPG, pero hindi ko kasi mai-install yung logos na gawa mo eh. Ginagamit ko pa din ang long method ( by using EA Graph ).
Maayos ang graphics ng sa akin. Smooth ang edges nya at mabilis ang loading ( di ba kapag customart 1 ay mabagal? )
Sana makatulong ito sa inyo. Bahala na kayo kung guto nyo ito I-try. Sa akin lang naman eh tumutulong lang. No offense ha?!
Thu May 08, 2003 10:33 pm
Ei, link naman sa mga cyber faces oh?! Gusto ko kasing ilagay na mga face nila eh.
Thu May 08, 2003 11:00 pm
Bats, natanggap ko na. Subukan ko rin gawin pati ung numbers. Kailangan ko na lang malaman ung conversion ng integer to 16 bit na sinasabi ni
bokayo.
Virtual_rukawa, ung ibang cyberfaces alam ko may link. Tulad nung kay oss4, hanapin mo na lang d2. Ung D. Seigle ko,
http://mjrealm.topcities.com. About sa iba, hintay mo na lang official release.
Kolokoy, ok lang un. Forgot it na. Wala naman talaga ako gus2ng kaaway d2. Pwera lang dun sa isang pinoy na nagmamagaling dati.

Anyway, hindi na sya demo pag nirelease, full version na.
E2 nga pla ginagamit kong abbr2 sa teams.dbf file. Para hindi naman confusing sa mga NBA teams.
- Code:
Team Abbr2
Alaska al
Ginebra gi
Fedex fe
Sta. Lucia sl
Shell sh
San Miguel sm
Coke cc
Purefoods pf
Talk&Text tt
'98 Centennial Team 98
'02 Rp 5 team 02
E2 na lang gamitin natin bats, para hindi ma overwrite ung ibang jerseys and courts na ginagamit ng NBA teams incase na gagamit ng customart. Kontakin ko pa si Don Daily kung pano gumawa ng installation method. Yung logos, finalize na dapat ni nypg, o kya send mo sakin link nung finalized logos. Para ma i-convert to .viv files.
Nga pala, wag ka magsend sakin ng .bmp files. Masyado malaki eh. Mapupuno na inbox ko!

Convert to jpg or gif na lang.
PM ko rin si Andrew, bka sakaling i-sticky n nya forum natin!

Haba na eh! Lagi naman nasa top. Pm nyo rin para makumbinsi.
Fri May 09, 2003 1:20 am
Hello, Bago Lang ako dito ako nga pala si JJ, i'm making a league right now but its not an online league kasi mahirap yon baka kasi hectic skedule yung sumali but right now matatapos na siya yung sked na lang ang ginagawa ko kasi mahirap, i'm not basing it with the real pba sked
may rosters na ko, very realistic siya (thanks ERICEM) sometime what i'll be posting my site.
I'm needing a assitant who can manage a league when i'm out
I can also make cyberfaces kaya lang wala akong makitang pics
Sana support niyo league ko. THANK YOU
Sa mga gustong magcomment e-mail niyo ko o kaya yahoo messenger:
air_max_heart@yahoo.com
iba talaga pinoy!
Fri May 09, 2003 3:40 am
Natapos ko na po yung 1998 Cuneta Astrodome tsaka 2002 Philsports, kaso may problema, di ko ma-upload sa website ko yung mga files. Na-suspend for exceeding hourly bandwidth limit. Madaming nagdadownload ng patches!!! Gagawa ako ng mirror site pero di ko alam kung saan maghahanap ng may ftp pero walang bandwidth limit.
Fri May 09, 2003 10:44 am
MJ, sige, gagawa ako ng version ng roster file na agagamit nyang new Team codes mo! mas ok talaga yang entirely new viv files. si NYPG nagbabakasyon pa e, next week balik nya, sabihin ko sa kanya na ifinalize na lahat. pre , samahan mo na din ng team codes para sa toyota and crispa!
virtual rukawa, no offense din, pero alam na halos ng lahat ng patchers dito method na sinasabi mo. most of us use that method. yung gumagamit lang ng customart dito e yung di pa maalmam gumamit ng EAgraph,yung mabilis ang computer, or yung aya galawin yung NBA files nya. wala naman problema sa logos ni nypg a? tsaka hindi din siya customart method. yung method ng pag install nya is diretso sa VIV file. para ka ding gumamit ng EAgraph na DOS based.
dann, screenshots nalang muna i post mo!
Fri May 09, 2003 12:05 pm
uy... nakabalik na rin...hehehe
dami na ng updates sa PBA Live natin ah!!!
NATO
pano mo pala ginawa ung effect dun sa picture mo sa site mo tagal ko na gustong gawin un e...
ano pa ang kulang para makatulong...
suggest pala ako ung mga kanta sa menu palitan natin ng salbakuta...ngek!!! un e para lang mgaing pinoy flavor ung PBA live natin...
para sa lahat ng patchers
basta kapag natapos na ito gawa rin tayo ng version na downloads lang ung para sa mga malalayon lugar tulad ko nandito sa baguio hirap kumuha ng CD version ng project for sure....
Fri May 09, 2003 2:37 pm
bokayo, panu ba magconvert ng integer to 16-bit? Instructions naman... o kya na rin me the fsh nung gin kings jersey. Tnx.
Fri May 09, 2003 3:10 pm
nakagawa na ko ng mirror site. ito yung url:
http://pbalive03.freewebsites.com
di ko magets kung paano gamitin yung nfshtool... ang labo ng tutorial na kasama.
Fri May 09, 2003 5:05 pm
Dann,
Nakita nyo na ba yung court sa Puerto Princesa or Palawan ba yon, basta yung kina Hagedorn, idagdag nyo naman sa court collection natin.
Mga patchers (Ericem, MJ, Bokayo, Bats),
Wala ba PBA Live 2003 official site para isang site lang ang pupuntahan ng mga PBA lovers?
Why don't you ask Commisioner Eala to sponsor a web site for this patches, suggestion lang naman to...
Thanks a lot!!!
MABUHAY KAYONG LAHAT! ITO ANG GAME KO!!!
Fri May 09, 2003 7:32 pm
hi guys! d ko pa rin mapagana ung mga jerseys... anyway, pagayos na lng lahat bago me paturo! hehe... thanks pla sa laht ng tumulong ah!
mj, ung 16 bit ba ung sa binary code? ung 1010101? pagyun, use scientific calculator. lagay mu sa base-n ata un. then meron BIN para maconvert ung integers to binary codes.... k? try mu na lng....
i've been reading here so if kung mey matutulong me, just tell me guys k? pero ala tlga ako matulong sa pagawa i guess so... d ko nga mainstall ung jerseys e! hehe...
good luck to you all!!!
Fri May 09, 2003 7:58 pm
Ok lang yun bats, kala ko kasi, marami ang gumagamit pa din ng customart 1 eh. yun pala, lahat eh customart 0 na.
Basta keep up the good work guys! You'll always have my support!
Nga pala, problema ko lang dun sa logos ni NYPG eh yung nag-a-appear dun sa in-game stats. hirap kasi nun eh.
Fri May 09, 2003 8:57 pm
Bkt wlang lumalabas na numbers sa mga jersey ? as in plain lang. help.
Fri May 09, 2003 9:11 pm
MJ,
eto ung site na binasa ko mejo magulo sa una pero practice lang makuha mo rin kung pano mag-convert ng hex to 16-bit nad back...
http://137.190.25.33/rhilton/CS2650DC16bSI.htm
Fri May 09, 2003 9:15 pm
Send niyo naman akong pics ng PBA players kasi wala akong makuhanan para makagawa na ako tnx. (
air_max_heart@yahoo.com)
Fri May 09, 2003 10:10 pm
Mga pre, totoo pala ang Crispa vs Toyota na laban no? Dapat subaybay natin to. Pwede natin isama sila sa PBA Live! Sino-sino kaya ang mga players?
Speaking of all-stars, may nakaboto na ba sa inyo sa poll ng website ng pba? Group A vs. Group B pala ang format. Binago nila yung RSJ vs Vets.
Sa palagay nyo, alin ang mananalo? A or B?
Para saken, Group B....
Bakit........?
Simple lang ang maisasagot ko....
Group B = Taulava & Menk...
Fri May 09, 2003 10:26 pm
mga pare
nabasa nyo na ba yung may nag-post ng fuck the "pinoy message".
pare nakaasar yun ha. gusto ko nga ring murahin, kaso lang pinipigilan kolang sarili ko. sobrang yabang nun, gusto kong sapakin!!! parang minamaliit tayong mga pinoy.
anyway, i'm back. nagvacation kc ako eh kaya ngayon lang ako nakapag online. dami na palang updates. sorry guys kung d' na rin ako nakakatulong sa inyo, medyo busy kc ako ngayon eh. di bale sa susunod, tutulong din ako.
Fri May 09, 2003 10:48 pm
Onga e, nakakainis talaga buti pa nadefend tayo e. Ang sobrang nakakainis kinompare pa to kay Pamela Anderson. Anyway, talagang lumalaki na ang development ng patch keep it coming. Interesting yung Crispa-Toyota patch.
Sat May 10, 2003 3:04 am
to all of the patchers,
nasubukan nyo na ba ung dream team patch? dapat ganun yung gawing install method ng project natin, madali i-install and uninstall. wala akong mapanglaban sa dream team 1 kaya binalik ko yung 98RP and 02RP! nagdagdag pa ako ng 90's All Stars (Paras, Hawkins, Agustin, D. Pumaren) para maiba naman, sawa na akong gamitin ang RP teams. i re-release ko yung roster patch kong bago (Version 3) tomorrow with the New 90's All Star Team and the comeback of the RP Teams.
bats,
marami akong di kilala sa mga legends na inemail mo sa akin. baka alaska 96 lang ang magawa ko hindi pa kumpleto. napuno yung slots ng create a player (400), meron pala nun?!
mj,
bakit down yung website mo? tagal na. gusto ko sanang download yung danny seigle... kelan mo ba i-release yung philsports arena?
Sat May 10, 2003 3:50 am
Jhun,
hindi ko na matandaan kung anong itsura ng Puerto Princesa Coliseum pero ang natatandaan ko, yung center court, official seal ng Puerto Princesa City (yung may peacock). Tapos yung nakasulat sa gilid, "a project of Mayor Hagedorn and City Council. Ang di ko matandaan yung nakasulat sa ilalim ng basket (parang campaign slogan yung tunog) tapos di ko na rin matandaan kung anong kulay ng baseline tsaka yung painted area. Please help me...
Natapos ko na yung Cuneta Astrodome 1994 version. I will post it on tuesday.
THANKS!!!!
Sat May 10, 2003 6:26 am
Bokayo,
Pre anong effect yun sinasabi mo sa website ko?
Bats,
Eto muna nagawa ko, Cyberfaces ni lago at boybits, katulad ng dati pakipalitan na lang yung kulay ng mata and yung skin tone, pre pakisend na rin sa kin yung ibang picture, pipili na lang ako ng mga gagawin ko, tapos ipopost ko, sabihin ko na lang kung sinosino yung di ko kaya, hehehe
or copy and pase to a new browser
http://www.freewebs.com/natopascual/boybits&lago.jpg
you can download all the cyberfaces that i've made on my website
http://www.freewebs.com/natopascual/
mabuhay ang pba live!!!
Powered by phpBB © phpBB Group.
phpBB Mobile / SEO by Artodia.